JUAN 4:43-54
Pinagaling ni Jesus ang Anak ng Isang Pinuno ng Pamahalaan
43 Pagkaraan ng dalawang araw, bumalik si Jesus sa Galilea. 44 (Si Jesus na rin ang nagsabi na ang isang propeta'y hindi iginagalang sa sarili nitong bayan.) 45 Pagdating niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon.
46 Nagpunta muli si Jesus sa Cana, Galilea. Dito niya ginawang alak ang tubig. Sa bayan naman ng Capernaum ay may isang pinuno ng pamahalaan. Ang anak niyang lalaki ay may sakit 47 at naghihingalo na. Nang mabalitaan niyang bumalik si Jesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito at pinakiusapang pumunta sa Capernaum upang pagalingin ang kanyang anak. 48 Sinabi sa kanya ni Jesus, Hangga't hindi kayo nakakakita ng mga himala at mga kababalaghan, kailanman ay hindi kayo sasampalataya.
49 Ngunit sinabi ng pinuno, Tayo na po, Panginoon, bago mamatay ang aking anak.
50 Sumagot si Jesus, Umuwi na kayo, gagaling ang inyong anak. Naniwala ang lalaki sa sinabi ni Jesus, at umuwi na nga siya. 51 Sa daan pa lamang ay sinalubong na siya ng kanyang mga alipin at sinabing gumaling na ang kanyang anak.
52 Tinanong niya ang mga iyon, Anong oras nang bumuti ang kalagayan niya?
Ala-una po kahapon nang siya'y mawalan ng lagnat, tugon nila.
53 Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, Gagaling ang inyong anak. Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.
54 Ito ang pangalawang himalang ginawa ni Jesus sa Galilea pagkagaling mula sa Judea.
MAGNILAY:
Namumuhay ka ba sa pagdududa? Naisip mo na ba yung buhay na wala kang pinagtitiwalaan? Lahat pinagsususpetsahan mo. Tingin mo sa lahat gugulangan ka lang. Trato sa lahat hindi ito gagawa ng matino. Lahat akala mo lolokohin ka. Kailanman hindi ka aasa sa salita ng iba. Walang gagawa ng mabuti ng walang kapalit. Ang ganitong buhay at disposisyon ay lagi na lang may takot. Walang kasiguruhan. Walang katahimikan. Walang kapanatagan. Walang istabilidad.
Kung ganito kasaklap ang buhay ng walang tiwala sa kapwa mas lalo kapag wala tayong tiwala sa salita at mga pangako ng Pangionoon. Mas lalong mahirap isipin ang buhay na hindi nakasalig sa pagmamahal ng Diyos. Mahirap isipin ang buhay na hindi karunungan ng Diyos ang gumagabay. Mas higit ang pag-alala, takot at kawalan ng istabilidad ng taong hindi ang salita ng Diyos ang pundasyon. Sa hirap man o ginhawa, sa kasawian man o tagumpay, tanging ang salita ng Diyos ang maaasahan. Ito ang tunay na magbibigay sa atin ng kakayanan na bumangon kapag nadapa, mangarap kapag nabigo, mabuhay muli kapag namatayan tayo ng pag-asa.
Nagtiwala ang pinuno sa salita ni Hesus sa gitna ng kanyang kagipitan. Magtitiwala ka rin ba?
MANALANGIN:
Panginoon, hindi lahat laging malinaw. Hindi lahat kaya agad ipaliwanag. Hindi lahat kaagad may solusyon. Pero nagtitiwala ako sa iyo at laging magtitiwala kahit ano pa ang mangyari sapagka't higit kang nakaaalam.
Tuesday, April 5, 2011
Daily Gospel Reflection by Fr. Rey An Yatco (04-03-11)
JUAN 9: 1-41
Pinagaling ni Jesus ang Isang Bulag
1 Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag. 2 Tinanong siya ng kanyang mga alagad, Guro, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?
3 Sumagot si Jesus, Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya. 4 Kailangang gawin natin ang mga ipinapagawa ng nagsugo sa akin habang umaga pa; malapit na ang gabi, at wala nang makakagawa pagsapit niyon. 5 Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.
6 Pagkasabi nito, dumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik. Pagkatapos, ipinahid niya ito sa mata ng bulag. 7 Sinabi ni Jesus sa bulag, Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe at maghilamos ka roon. Ang kahulugan ng salitang Siloe ay Sinugo. Ganoon nga ang ginawa ng bulag, at nang magbalik siya ay nakakakita na.
8 Nagsalita ang mga kapitbahay niya at ang mga nakakita sa kanya noong siya'y namamalimos pa, Hindi ba iyan ang pulubing bulag?
9 Sumagot ang ilan, Iyan nga! Sabi naman ng iba, Hindi! Kamukha lang. Kaya't nagsalita ang dating bulag, Ako nga po iyon.
10 Paano kang nakakita? tanong nila.
11 Sumagot siya, Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at ipinahid iyon sa aking mata. Pagkatapos, sinabi niya sa akin, Pumunta ka sa Siloe at maghilamos. Pumunta nga ako doon at naghilamos, at nakakita na ako!
12 Nasaan siya? tanong nila sa kanya. Hindi ko alam, sagot niya.
Nagsiyasat ang mga Pariseo Tungkol sa Pagpapagaling
13 Dinala ng mga tao sa mga Pariseo ang dating bulag, 14 dahil Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Jesus ng putik at nang pinagaling niya ang bulag. 15 Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Kaya't sinabi niya sa kanila, Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, ako'y pinaghilamos at ngayo'y nakakakita na ako.
16 Ang sabi ng ilang Pariseo, Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga. Ngunit sinabi naman ng iba, Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan? At hindi sila magkaisa.
17 Kaya't tinanong nilang muli ang dating bulag, At ikaw, ano naman ang masasabi mo tungkol sa kanya, dahil pinagaling niya ang iyong mga mata?
Isa siyang propeta! sagot niya.
18 Ayaw maniwala ng mga Judio na siya'y talagang dating bulag kaya't ipinatawag nila ang kanyang mga magulang. 19 Anak nga ba ninyo ito? Talaga bang siya'y ipinanganak na bulag? Bakit nakakakita na siya ngayon? tanong nila.
20 Sumagot ang kanyang mga magulang, Anak nga namin siya at siya'y ipinanganak ngang bulag. 21 Ngunit hindi po namin alam kung bakit nakakakita na siya ngayon, o kung sino ang nagpagaling sa kanya. Siya na po ang tanungin ninyo. May sapat na gulang siya at makakapagsalita na para sa kanyang sarili!
22 Ganoon ang sabi ng kanyang mga magulang dahil takot sila sa mga Judio. Alam nilang pinagkaisahan ng mga Judio na itiwalag sa sinagoga ang sinumang magpahayag na si Jesus ang Cristo. 23 Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng kanyang mga magulang, Siya'y nasa tamang gulang na, siya ang tanungin ninyo.
24 Muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, Sa pangalan ng Diyos, magsabi ka ng totoo. Alam naming ang taong iyon ay makasalanan.
25 Sumagot siya, Hindi ko po alam kung siya'y masamang tao, o hindi. Isang bagay po ang alam ko; ako'y dating bulag, subalit ngayo'y nakakakita na.
26 Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niyang pinagaling ang iyong mga mata? tanong nila.
27 Sumagot siya, Sinabi ko na po sa inyo, at ayaw naman ninyo akong paniwalaan. Bakit gusto ninyong marinig muli? Nais ba ninyong maging alagad din niya? 28 At siya'y kanilang minura, Ikaw ay alagad niya! Ngunit kami'y mga alagad ni Moises.
29 Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!
30 Sumagot ang lalaki, Iyan nga po ang nakapagtataka! Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling, gayunpaman, pinagaling niya ang aking mga mata. 31 Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit pinapakinggan niya ang mga tunay na sumasamba sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. 32 Noon pa man ay walang nakapagpapagaling ng mata ng taong ipinanganak na bulag. 33 Wala pong magagawa ang taong iyon kung siya'y hindi mula sa Diyos!
34 Sumagot sila, Ipinanganak kang makasalanan at ngayo'y nais mo pa kaming turuan! At siya'y kanilang itiniwalag.
Mga Bulag sa Espiritu
35 Nabalitaan ni Jesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya't nang matagpuan niya ito ay kanyang tinanong, Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?
36 Sumagot ang lalaki, Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin upang ako'y manalig sa kanya.
37 Siya'y nakita mo na. Siya ang kausap mo ngayon, wika ni Jesus.
38 Sumasampalataya po ako, Panginoon! sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus. 39 Sinabi pa ni Jesus, Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.
40 Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, Ibig mo bang sabihi'y mga bulag kami?
41 Sumagot si Jesus, Kung kayo nga'y bulag, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.
MAGNILAY:
Sino nga ba ang tunay na bulag?
Nagpagaling si Hesus ng isang bulag. Magkaroon na tayo ng ibang kapansanan pangkatawan pero sana ay huwag sa mga mata - huwag ang maging isang bulag. Hindi natin maiisip kung paano ang karanasan ng isang bulag lalo na kung isinilang ka ng may ganitong kakulangan. Habang-buhay na kadiliman. Hindi mo makita ang kapaligiran. Hindi mo makita ang mga mahal mo sa buhay. Ni hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng itsura. Hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng kulay. Habang-buhay na pangangapa. Habang-buhay na pakikipagtunggali sa kawalan.
Kaya't mauunawaan natin ang kasiyahan ng bulag na pinagaling ni Hesus. Ipinanganak siya sa kadiliman ng pagkabulag. Pero ngayon nakakita siya ng liwanag. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng anyo, kulay, liwanag pero ngayon nakikita na niya ang lahat ng ito. Noong siya ay nakakita nakalimutan niya ang lahat ng pighati ng pagiging nasa kadiliman. Iisa lang ang masasabi niya sa nagpagaling sa kanya - isa siyang taong maka-Diyos. Kung hindi, hindi siya makapagpapagaling ng isang bulag mula pagsilang. Siya ay propeta. Siya ang Panginoon!
Pero sa gitna ng mabuting balita na ito ng isang bulag na nakakita, ang pangit na balita pa rin ang nakikita ng mga Pariseo. Imbis na makita nila ang magandang ginawa ni Hesus sa bulag naito, mas tiningnan nila ang paglabag di-umano ni Hesus sa batas ng Sabbath. Hindi dapat magtrabaho sa araw na ito. At ang paggagamot ay isang trabaho na labag sa kabanalan ng Sabbath. Anong kitid na pananaw! Kalunus-lunos na kalagayan ng isip! Bulag sa gawaing pagliligtas ng Diyos!
Kaya't maitatanong natin - sino nga ba ang tunay na bulag. Siya na ang nakikita ay ang kapintasan at mali at pangit sa kilos at gawain ng iba imbis na makita ang ganda, kabutihan at kapakinabangan nito sa kapwa - siya ang bulag! Siya na ang nakikita lang ay ang sarili na mas magaling sa iba, mas nasa tama, at may karapatang husgahan ang iba - siya ang bulag! Siya na hindi nakikita ang Diyos sa kanyang kapwa at sa mga pangyayari sa kapiligiran - siya ang pinakahigit na bulag!
Ikaw ba siya?!
MANALANGIN:
Panginoon, imulat mo ang aking mga mata upang makita ang pagkilos mo sa mga pangyayari ng buhay. Tulkungan mo akong makawala sa pagkabulag ng pagmamagaling, pagyayabang at pagkamakasarili. Magningning nawa ang iyong liwanag sa aking isip, sa aking puso at sa aking buhay. Tulungan mo ako na makakita ng lubos!

Daily Gospel Reflection by Fr. Rey An Yatco (04-02-11)
LUKAS 18: 9-14
Ang Talinhaga ng Pariseo at ng Maniningil ng Buwis
9 Sinabi rin niya ang talinhagang ito sa mga taong mababa ang tingin sa iba at nag-aakalang sila'y matuwid. 10 "May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. 11 Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito tungkol sa kanyang sarili: 'O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw, mandaraya, mangangalunya, o kaya'y katulad ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi mula sa lahat ng aking kinikita.' 13 Samantala, ang maniningil ng buwis nama'y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit. Dinadagukan niya ang kanyang dibdib at sinasabi, 'O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!' 14 Sinasabi ko sa inyo, ang lalaking ito'y umuwing pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang una ay hindi. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakumbaba ay itataas."
MAGNILAY:
Isang indikasyon na malayo ka pa sa tunay na kabanalan ay kapag naramdaman mong mas banal ka sa iba!
Dalawang uri ng panalangin ang inilarawan ni Hesus sa talinhaga ng Ebanghelyo ngayon. Ang isa ay panalangin ng pagyayabang at pag-aangat ng sarili. Ito ang dasal ng Pariseo na sobrang napabilib ng sarili niyang mga nagawa. Wala namang masama na kilalanin ang mga nagagawa mong mabuti. Kaya lang pag umabot na ito sa punto na akala mo kumpleto ka na at hindi mo na kailangan ang Diyos, simula ito ng iyong lagapak. Hindi puwedeng pagtiwalaan ang tagumpay na natatamo natin sa lupa. Tanging sa Diyos tayo nagtitiwala. Ang mga ibinigay sa atin puwedeng kunin uli sa oras na hindi natin inaasahan. Ang mga natamo nating tagumpay ay puwedeng bawiin ng wala tayong kalaban-laban. Huwag nating akalaing ang galing-galing natin at pati ang Diyos gusto nating papaniwalain at kumbinsihin at pabilibin.
Ang ikalawa ay panalangin ng pagpapakumbaba at pagtanggap na kailanman hindi tayo maaaring maging kompleto kung wala ang Panginoon. Ang dasal na ito ng publikano ay panalangin ng pagtitiwala lalo na sa oras ng kabiguan at pagkadapa. Hindi man makatingin sa Panginoon dahil sa matinding kahihiyan ay nagtitiwala naman na mapagpatawad ang Diyos at nagbibigay ng panibagong pagkakataon. Ang panalanging ito ay bukas sa tuluy-tuloy na paglago sa sarili. Hindi ito nagkukunwari na kaya na niyang mag-isa. Hindi ito mapagmataas at mapanghusga ng kapwa dahil alam niya at nauunawaan niya na siya man ay marami pa ring kakulangan. Ang dasal na ito ay pagpapahayag na kailangan niya ang Diyos una sa lahat.
Dininig ng Diyos ang dasal ng publikano dahil hiniling niya ang pagpapatawad ng Diyos. Hindi dininig ang dasal ng Pariseo dahil sa una pa man hindi niya ito hiniling dahil sa kayabangan.
MANALANGIN:
Panginoon, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!

Thursday, March 31, 2011
Daily Gospel Reflection by Fr. Rey An Yatco (04-01-11)
MARCOS 12: 28-34
Ang Dalawang Pinakamahalagang Utos
28 Ang kanilang pagtatalo ay narinig ng isa sa mga tagapagturo ng Kautusan na naroon. Nakita niyang mahusay ang pagkasagot ni Jesus sa mga Saduseo kaya siya naman ang lumapit upang magtanong, "Alin po ba ang pinakamahalagang utos?"
29 Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos: 'Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon nating Diyos ang tanging Panginoon. 30 Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.' 31 Ito naman ang pangalawa, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.' Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito."
32 Wika ng tagapagturo ng Kautusan, "Tama po, Guro! Totoo ang sinabi ninyo. Iisa nga ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. 33 At higit na mahalaga ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng pag-ibig sa sarili, kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin at iba pang mga alay."
34 Nakita ni Jesus na maganda ang sagot nito kaya't sinabi niya, "Hindi ka na nalalayo sa kaharian ng Diyos." At mula noon ay wala nang nangahas na magtanong kay Jesus.
MAGNILAY:
Kung hindi mo kayang mahalin ang katabi mo, ang kasama mo, ang kasalubong mo, ang kapitbahay mo, huwag ka nang mag-asam na mahalin ang Diyos. Maaari lamang mahalin ang Diyos sa iyong kapwa.
Ang tinatanong lang kay Hesus ay kung ano ang pinakamahalagang utos. Ang tinatanong lang sa kanya ay kung ano ang una. Pero sa sagot niya, agad niyang idinugtong ang ikalawa. Ang mahalin ang Diyos - ang unang utos - ay hindi maisasakatuparan kung hindi tuutparin ang ikalawang utos - ang mahalin ang iyong kapwa. Ganito kakonektado ang isa't-isa. Hindi kompleto ang isa kung wala ang isa. Magiging ipokrito ang una kung hindi magagawa ang ikalawa. Magkabiyak-na-bunga ang pagi-big sa Diyos at pag-ibig sa kapwa.
Ang pag-ibig sa kapwa ay hindi mas mababang uri ng pag-ibig. Hindi puwedeng magmahal sa kapwa na namimili. Hindi mo lang mamahalin ang nagmamahal sa iyo. Hindi mo lang mamahalin ang kaibig-ibig. Hindi mo lang mamahalin ang karapat-dapat. Ang pag-ibig sa kapwa ay lubos at ganap. Mamahalin pati ang hindi nagmamahal sa iyo. Mamahalin pati ang hindi kaibig-ibig. Mamahalin pati ang hindi karapat-dapat. Sa ganito lang magiging pag-ibig sa Diyos ang pag-ibig sa kapwa. Minahal tayo ng Diyos ng walang kondisyon. Minahal niya tayo kahit noong pangit at makasalanan pa tayo. Walang hiningi ang Diyos noong mahalin niya tayo. Basta minahal lang niya tayo kahit walang kapalit. Ganitong uri ng pag-ibig ang inaasahan niyang ibibigay natin sa kapwa.
MANALANGIN:
Panginoon, turuan mo akong mahalin ka sa aking kapwa. Mahirap mahalin lalo na ang mga nakasakit sa akin. Mahirap mahalin ang mga walang pakialam sa akin. Mahirap mahalin ang mga walang kinalaman sa akin. Pero sa ganito lamang kita puwedeng mahalin. Lumago nawa ako araw-araw sa iyong pag-ibig. Maging larawan nawa ako ng iyong pag-ibig na dakila at wagas.

Tuesday, March 15, 2011
Daily Gospel Reflection by Fr. Rey An Yatco (03-16-11)
LUKAS 11: 29-32
Si Jesus ang Palatandaang Mula sa Langit
29 Nang dumagsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, "Napakasama ng mga tao sa panahong ito. Naghahanap sila ng palatandaang mula sa langit, subalit walang palatandaang ipapakita sa kanila maliban sa nangyari kay Jonas. 30 Kung paanong si Jonas ay naging isang palatandaan sa mga taga-Nineve, gayundin naman, ang Anak ng Tao ay magiging isang palatandaan sa lahing ito. 31 Sa Araw ng Paghuhukom, sasaksi ang Reyna ng Sheba laban sa lahing ito, sapagkat naglakbay siya mula pa sa dulo ng daigdig upang mapakinggan ang karunungan ni Solomon, ngunit ang naririto ngayon ay higit na dakila kaysa kay Solomon. 32 Sa Araw ng Paghuhukom, sasaksi ang mga taga-Nineve laban sa lahing ito, sapagkat nagsisi sila dahil sa pangangaral ni Jonas. Pakinggan ninyo, lalong dakila kay Jonas ang naririto ngayon."
MAGNILAY:
Hindi palatandaan ang problema. Ang problema ay tiwala. Walang tiwala ang maraming tao sa mga palatandaang iniwan ni Hesus. Ano pa bang palatandaan ang hahanapin pa sa ipinakita ni Hesus? Makapangyarihan ang kanyang mga salita. Kapag mangaral siya ay may awtoridad dahil nakikita rin sa kanyang kilos at gawa ang kanyang pinangangaral. Tumatagos sa puso ang kanyang mga aral. Binubulabog nito ang kanilang konsiyensya. A, baka yun ang dahilan kaya marami silang hinahanap. Gusto nilang iwasan ang totoo. Natarget sila ng kanyang mga salita. Kitang-kita na na dapat silang magbago sa isang radikal na paraan. Pero takot at ayaw nila nito. Malaki ang kanilang iiwan. Malaki ang kanilang isusuko. Kaya, magbingi-bingihan na lang. Magbulag-bulagan na lang. Kunwari, naghahanap pa sila ng mga palatandaan pang iba. Pero ang totoo, sapat na kundi man sobra-sobra na ang palatandaan. Pagtugon na sana ang kasunod pero mas minarapat nilang maing sarado.
Hindi naman mangmang si Hesus. Alam niyang kahit anong palatandaan ang ipakita niya hindi siya paniniwalaan. Kung sa marami niyang kababalaghang ginawa ay hindi sila naniwala, ano pang kababalaghan ang puwedeng magkumbinsi sa kanila? Nakita ang mga bulag, nakarinig ang mga bingi, nakalakad ang mga pilay, gumaling ang mga maysakit, nabuhay ang mga patay. At higit sa lahat, nagbagong buhay ang mga makasalanan, naglingkod sa Diyos ng buong buhay ang maraming alagad, binago ng kanyang salita ang takbo ng buhay ng marami. Hindi pa ba sapat ang mga palatandaang ito? Kaya magagalit ang Reyna ng Seba sa lahing iyon dahil sinuong niya ang karagatan upang maglakbay marinig lang ang karunungan ni Solomon pero mas higit pa kay Solomon ang Panginoon. Magagalit ang mga taga-Nineve dahil nakinig sila ang Jonas at naloigtas sila pero mas higit pa kay Jonas ang Panginoon.
Tiwala. Ito ang problema. Wala silang tiwala. Tayo rin. Ang hamon sa atin ay magtiwala ng buo sa aral. Yan ang tanging iniwang palatandaan ng Panginoon. Marami na ang ginawa ng Panginoon sa atin pero tuwing magkakaproblema tayo bumabalik na naman ang pagdududa natin sa kanya. Madali tayong makalimot. Nagsasarili na naman tayo. Nagrerebelde na naman tayo. Oo, mahirap magtiwala. May elemento ito ng sugal. Isusugal natin ang kombiksyon natin. Pero ito ang ibig sabihin ng manampalataya. Magtiwala. Kahit lumalaki ang mga pagsubok huwag nating kalimutan na kailan man hindi tayo iniwan ng Panginoon. Ang totoo, araw0araw ay palatandaan ng Panginoon ng kanyang pagmamahal. Yun lang, madalas hindi natin ito pansin.
MANALANGIN:
Panginoon, dagdagan mo ang tiwala ko sa iyo laolo na sa panahon ng pagsubok. Huwag ko sanang malimutan agad-agad ang maraming magagandang bagay na ginawa mo sa akin. At higit sa lahat, magtiwala ako sa iyong salita at sa iyong aral. Ito ang liwanag na tumatanglaw sa bawa't hakbang na aking tinatahak sa buhay na ito. Turuan mo akong makinig lagi ng may pagtitiwala at paniniwala.

Daily Gospel Reflection by Fr. Rey An Yatco (03-15-11)
MATEO 6: 7-15
7 "Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi. 8 Huwag ninyo silang tutularan. Alam na ng inyong Ama na nasa langit ang inyong kailangan bago pa ninyo ito hingin sa kanya. 9 Ganito kayo mananalangin,
'Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang iyong pangalan.
10 Nawa'y maghari ka sa amin.
Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.
11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pagkain sa araw-araw;
12 at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
13 At huwag mo kaming hayaang matukso,
kundi iligtas mo kami sa Masama!'
14 "Sapagkat kung pinapatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Ama na nasa langit. 15 Ngunit kung hindi ninyo pinapatawad ang iba, hindi rin naman patatawarin ng inyong Ama ang inyong mga kasalanan."
MAGNILAY:
Ang tunay na panalangin ay simple. Hindi nakukuha sa pahabaan, pagandahan at palaliman ng salita ang panalangin. Hindi nito kailangan ang mga pambobola, sopistikasyon at pasiklab. Simple ang tunay na panalangin. Sinsero ito. Tapat at sapat sa sinasabi. Diretso at walang patumpik-tumpik. Kung ano lang ang kailangan at kung ano lang ang makakabuti ay siya lang sasabihin. Alam ng Diyos ang ating mga kailangan. Batid niya ang mabuti sa atin.
Ang tunay na panalangin ay matalik. Ito'y usapang puso sa puso. Bukasan ito ang kalooban. Ito'y ugnayang matalik ng dalawang nagmamahalan. Hindi ito relasyong trabaho lang o negosyo lang. Hindi ito paimbabaw o panlabas lamang. Ang panalangin ay pagsasanib natin at ng Diyos na napamahal sa isa't-isa.
Ang tunay na panalangin ay sigurado. Hindi ito yung may pagdududa. Hindi ito yung may alinlangan. Hindi ito yung nagbabaka-sakali. Ang panalangin ay may kumpiyansa at tiwala na nakikinig siya na ating minamahal at nagmamahal sa atin. Sigurado tayo sa kanyang pagtugon. Sigurado tayo sa kanyang paggabay. Sigurado tayo sa kanyang pagmamahal.
Ang tunay na panalangin ay dasal ng isang anak. Ang panalangin ay kung saan ipinagkakatiwala ng isang anak ang sarili sa kanyang Ama. Ito'y pagpapasa-kamay ng anak ng sarili sa kanyang Ama. Ito'y pagsumamo ng anak sa kanyang Amang tnay na nagmamahal sa kanya. Dahil dasal ng isang anak, ang panalangin ay pakikinig din ng isang anak sa kanyang Ama. Ang panalangin ay pagtuklas sa kalooban ng Ama na siya nating dapat sundin.
MANALANGIN:
Panginoon, tulungan mo akong umiwas sa mga panalanging mabulaklak pero puro pambobola. Turuan mo akong manalangin ng simple at may sinseridad. Matuto nawa akong makinig at sumunod sa bulong mong tanging panalangin ang daluyan.

Daily Gospel Reflection by Fr. Rey An Yatco (03-14-11)
MAGANDANG BALITA NGAYON - LUNES NG UNANG LINGGO NG KUWARESMA (Mar. 14)
by Fr. Rey Anthony Yatco on Monday, March 14, 2011 at 10:50pm
MATEO 25: 31-46
Ang Paghuhukom
31 "Pagdating ng Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian. 32 Titipunin naman sa harapan niya ang lahat ng tao at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. 33 Inilalagay nito sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing. 34 Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig. 35 Sapagkat ako'y inyong pinakain noong ako'y nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako'y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.'
37 "Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming dinamitan? 39 At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?'
40 "Sasabihin ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.'
41 "Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. 42 Sapagkat hindi ninyo ako pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y nauuhaw. 43 Hindi ninyo ako pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi ninyo ako dinamitan noong ako'y walang maisuot. Hindi ninyo ako dinalaw noong ako'y may sakit at noong ako'y nasa bilangguan.'
44 "At sasagot din sila, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, walang matuluyan, walang maisuot, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo tinulungan?'
45 "At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.' 46 Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan."
MAGNILAY:
Kailan tayo sinungaling sa harap ng Diyos? Kapag sinasabi nating mahal natin siya pero hindi man lamang natin maigalaw ang isang daliri natin para pagaanin ang dinadalang hirap ng iba. Kapag nakikiisa tayo sa hirap ni Kristo sa krus pero manhid tayo sa pagdurusa ng kapwa natin.
Kailan tayo mapagkunwari sa harap ng Diyos? Kapag todo papuri tayo sa kanya at lahat na yata ng salita ng parangal sa kanyang pangalan ay nasambit na natin para sa kanya pero ang sama naman ng tabas ng dila natin para sa kapwa natin. Kung makapagmura tayo sa kapwa natin ay gayon na lamang. Kung manlait tayo ng mga maliliit ay daig pa natin ang talagang may sinasabi sa lipunan. Kung mamintas tayo ay akala mo wala tayo ni katiting na kapintasan sa sarili.
Kailan tayo kaawa-awa sa harap ng Diyos? Kapag dumating na ang oras ng pagharap sa kanya at nagmamalaki pa tayong ipaglandakan na kaalyado niya tayo, kasapi niya tayo, mga alipores niya tayo dahil tayo ang nangunguna sa mga gawaing at proyekto na akala natin ay nagbibigay parangal sa kanya pero mga gawain pala na pasikat ang nakatagong layunin at sarili hindi ang kapwa ang napagsisilbihan. Mga proyekto na walang kinalaman para damayan ang talagang nangangailangan. Isa lang ang sasabihin niya: Lumayo kayo sa harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat hindi ninyo ako pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y nauuhaw. Hindi ninyo ako pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi ninyo ako dinamitan noong ako'y walang maisuot. Hindi ninyo ako dinalaw noong ako'y may sakit at noong ako'y nasa bilangguan.
MANALANGIN:
Panginoon, makita nawa namin ang mukha mong nagdurusa sa mga kapatid naming hikahos at kapus-palad at sa kanila'y mahalin ka't pagsilbihan.

Subscribe to:
Posts (Atom)